Limang Mga Bagay Na Nais Ng Diyos Na Iyong Malaman:
By Leonardo Delizo
UNA: Ikaw Ay Kailangang Maligtas.
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala; at hindi nakaabot sa kaluwalthatian ng Diyos.” Roma 3:23
“…..Maliban na ang isang tao ay maipanganak na muli, ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.” Juan 3:3
IKALAWA: Hindi Mo Maliligtas Ang Iyong Sarili.
“Hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating nagawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan ay iniligtas niya tayo.” Tito 3:5
IKATLO: Si Jesus Ay Naglaan Para Sa Iyong Kaligtasan.
“Na (si Jesus) sa kaniyang sarili mismo ay dinala ang ating mga kasalanan sa kaniyang sariling katawan sa ibabaw ng punong-kahoy, upang tayo, bilang patay sa mga kasalanan, ay dapat mabuhay sa katuwiran: sa pamamagitan ng kaniyang mga sugat kayo ay gumaling.” I Pedro 2:24
“Sapagkat gayon inibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay.”Juan 3:16
IKAAPAT: Iyong Dapat Tanggapin Si Jesus Lamang Para sa Kaligtasan.
“Sumampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo, at ikaw ay maliligtas.”Mga Gawa 16:31
“Datapawa’t gaya ng marami nga tumanggap sa kaniya, sa kanila ay ibinigay niya ang kapangyarihan upang maging mga lalaking anak ng Diyos, samakatuwid sa kanila na nananampalataya sa kaniyang pangalan.”Juan 1:12
“Na kung ipahahayag mo sa iyong bibig ang Panginoong Jesus, at mananampalataya sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, ikaw ay maliligtas.”Mga Taga-Roma 10:9
IKALIMA: Ngayon Na Ang Panahon Upang Tanggapin Si Jesu-Cristo Bilang Iyong Kaisa-isang Tagapagligtas.
“Masdan ngayon ay ang katanggap-tanggap na panahon; masdan, ngayon ay ang araw ng kaligtasan.”II Mga Taga-Corinto 6:2
“Gaya ng sinasabi ng Espiritung Banal, Ngayon kung maririnig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag patigasin ang inyong mga puso…”Mga Hebreo 3:7-8
Limang Mga Bagay Na Nais Ng Diyos Na Iyong Gawin Pagkatapos Mong Maligtas
1. Nais ng Diyos na ikaw ay mabautismuhan sa isang iglesya lokal na sumasampalataya sa Bibliya. Mga Gawa 2:41
2. Basahin ang Banal na Bibliya at manalangin kay Jesu-Cristo araw-araw. Juan 15:7
3. Ipabatid sa ibang mga tao ang tungkol sa kung ano ang nagawa ni Jesu-Cristo para sa iyo. Mateo 10:32
4. Sa bawa’t panahong ikaw ay magkasala ay hilingin sa Panginoong Jesus na patawarin ka sa lalong madaling panahon. I Juan 1:9
5. Sumapi sa isang mabuting iglesya na sumasampalataya sa Biblya at nag-aakay ng kaluluwa, at tumalima sa Banal na mga Kasulatan sa halip na sa relihiyon o tradisyon.
Paano Pumunta Sa Langit Mula Sa Pilipinas?
Kung ikaw ay hindi sigurado na 100% na ikaw ay patungo sa langit, kaya mong lutasin yan ngayon!
Una, malaman mo na mahal ka ng Diyos!
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)
Pangalawa, unawain mo na isa kang makasalanan, at ang kasalanan ay may kabayaran na dapat mong pagbayaran. Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kalooban ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (Roma 3:23, 6:23)
Pangatlo, magtiwala ka na si Cristo Jesus ay namatay para bayaran ang gating mga kasalanan. Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa. (Roma 5:8)
Sa wakas, tanggapin mo ngayon ang regalo ni Jesus na kaligtasan sa pamamagitan ng pagamin sa Diyos na ikaw ay makasalanan at nararapat na bayaran ang iyong mga kasalanan, subalit paniwalaan mo na si Jesus ang ganap na nagbayad sa atin, namatay sa krus at matagumpay na nabuhay muli.
Roma 10:13 ay nangangako na maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon. Kahit sinuman….ikaw iyon! Kung personal mong tanggapin si Cristo Jesus upang patawarin ang iyong mga kasalanan at bibigyan ka niya ng buhay na walang hanggan sa Langit! Bakit hindi ka magdesisyon ngayon; ito ang makakapagbago sa mundo…at sa walang hanggan!
Source: Ang Mabuting Balita Ayon Kay Juan/ Ang Sulat Ni Pablo Sa Mga Taga Roma